eto ang bago!?
nakaksawa magpalipat lipat
nakakahili maghanap
nakakasakit ng ulo ang napakaraming pop ads...
nakakainit ng ulo...
pero bakit pa ako magrereklamo, eh lahat naman ng hinahanap ko libre? hehe
so eto LEI! makuntento ka sa blogspot, na mas nakakahilo pa sa pageedit... pero ok lang... sa wakas..
gusto ko lang naman ay makausap ang sarili ko... sa mga panahong di ko alam kung ako'y humihinga pa, sa mga araw na di mo alam kung uulan ba o aaraw...
eto ang simula....
at dito nagtatapos....
ikaw! HOY! PiNOY AKO!!!
ako si Lei. 'kuletz' binyag ni mahal ko. hou, houie pag malambing. makulet ako. inlab sa houie ko. obses sa mahal ko. dugong pilipino. malalim pag nasasaktan. mababaw pag masaya. manunulat pag may daing. manunulat pag baliw. manunulat pag inlab. walang kwenta pag bangag. hyper pag madaling araw. simpleng tao pero komplikado. masinop pero burara. mahiyain pero maingay. may sariling mundo. may sariling pananaw at puno ng tinatawag nilang "labels". 'abnormal' sabi ng lipunan. 'baliw' sabi ng siyensya. 'makasalanan' sabi ng bibliya. Yan ako, ang nagiisa... si KuLetz.

<< balik-balik