sarado rin pala
ako'y kumakanta ng: yakapin mo ako... habang atin ang gabi..
ang akala ko'y bukas, sarado ren pala. noon akala ko napaka perpekto na namin. masaya naguusap, bukas ang komonikasyon, pinaguusapan ang politika, ang problema di lamang ng iba pati ng mga sarili namin. hindi rin pala.
Siguro ako lang ang nagbago.siguro sinarado ko ang mundo ko at pinutol ko ang linya ng komunikasyon.pero my dahilan ako.
Masakit maging iba. mahirap maniwla ng iba sa kanila. in short mahirap maging ako.
Ang dati'y akala ko'y perpekto may tinatago ring baho. Ang sa tingin mo'y masaya sa loob ay may hinanakit at pagtatampo. Kung noon ay perpekto, minsan naiisip ko, siguro ako ang nagdala ng dungis. Ako ang nagsimula ang baho. Isang masangsang na katotohanan na pilit tinatakpan ng di paguusap. Isang masakit na katotohanan ang di ka rin pala nila maintindihan.
Pero naiintindihan ko sila. Marahil ay di nila inakala na ako ang magdudulot ng kahihiyan. MArahil iniisio nila pede pa akong magbago, mapipilit pa nila ako at hahayaan na lang. Pede ring iniisip nila na ang katahimikan ang siyang magtatakip sa katotohanan. Pero hindi. nakakabingi ang pilit na apgtatago. ang katahimikan ang siyang patuloy na sumisigaw sakin na "ako, ako, ako ako ang naiiba"
Sa patuloy na pagahahanap ko sa aking sarili, nakita ko ang isang malaking bahagi ng kung sino ako. Di ko mapigilan ang damdamin, ang magmahal sa kapwa ko babae. ISang katotohanang di ko na matakpan pa. Isang katotohanang nagwawala noon pa man. Pilit humihingi ng saklolo upang mapakawalan. NGayon pinalaya ko siya. Ngunit ang ktahimikan sa aming tahanan ang siyang nagpapahirap sa akin. Kung matatanggap lamang nila ang buhay na aking pinili. Kung tatanggapin lamang nila ng buong puso ang babae na aking minamahal. Pero naiintindihan ko sila. Mahirap maniwala, mahirap tanggapin. Kung sana'y dadamayan din nila ako sa pagluluksa ng puso kong nangungulila sa minamahal, tulad ng pagramay na gagawin nila kung lalaki ang aking pinagluluksa. Pero ang pagtrato ay iba. Hindi kailangan ng salita upang iparating ninyo sa akin. Sapat na ang katahimikan at pagbabaliwala upang ipakita ang pagkamuhi.
Masakit, pero yan agn totoo.
Pero di lang diyan nagtatapos ang aking kwento. PAti sa paniniwla, bakit ako parin ang naiiba? KAsalanan ko bang magtanong? KAsalanan ko bang hanapin ang dyos at paniniwlang nababagay sa akin. Ayko maging sunodsunuran sa isang relihiyon na binigay sa akin ng walang pahintulot. ISang relihiyon na aking kinagisnan at kinalakihan ngunit hindi minsa'y nagtanong: "Ito ba ang gusto mo?" Ayoko ng relihiyong pumipili ng tao, pumipili ng myembro. Ayoko maging bahagi ng isang paniniwalang kinasusuklaman naman kung ano ang aking pamumuhay at kung sino ang aking minamahal. Ayoko ng relihiyong nagsasabing sila lamang ang mapupunta sa langit, dahil para sakin, ang langit ay ginagawa dito sa lupa.
Sabi nya: Mahalin mo ang yon kapwa tulad ng pagmamahal mo sa akin. Gawin mo sa iba kung anong gusto mong gawin ng iba sa iyo. Yan ang langit. Ang pagtupad sa dalawang ginintuang utos at hindi sa kung anu anong paniniwala ng kasalanan.
Yan ang aking paniniwala. Gumawa ng kabutihan sa iba, at mahalin at rumespeto sa kapwa.
Hayaan ninyo akong maniwala, hayaan ninyo akong pumili. Hindi nakakasakit ng ibang tao ang magmahal sa kapwa ko babae. Hindi nakakasakit sa ibang tao ang maghanap ng relihiyong bagay sa aking paniniwala. KAya't tapusin ang pananahimik, at wag nyo ako kamuhian.