conflicting..confusing..what should I do?
ako'y kumakanta ng: "kanina'y nariyan pa O ba't bigla ng nawala.. Daig mo pa ang isang kisapmata"
Nagtatalo yung utak ko. Anu bang tama? Anung dapat kong gawin? What the fuck is going on? What should I do? How should I react? Should I always give way? OR can I demand more?
Labo nga eh. Bakit kasi ganito.
SA isang linggo, sa pitong araw, sa 168 na oras 6 hanggang 9 na oras lang kita nakakausap. Sa mga oras na yun, pinaguusapan natin lahat ng nangyari sa linggo natin, sa mga buhay natin, yung mga alaala noon, kalokohan, kulitan, gaguhan, asaran at lambingan. Sa mga oras din na yan, nagiging masaya ako, kontento, masaya, natural, masaya at masaya. 6-9 na oras lang sa isang linggo, sa pitong araw, sa 168 na oras.
LEI na tao: Nakakainis! Bitin! Lagi na lang pinuputol. Lagi na lang binibitin kung kelan maayos na ang usapan. Lagi na lang ganito eh. Panu yang kapatid mong sobra kung sundin, akala mo kung sinong hari. TAntrums lang bibigay na lahat. Sobrang brat. OO, kapatid mo nga yan. Pasensya na sa mga salita ko. Naiinis ako eh. Linggo ngayon di mo ba alam? Di kita pede kausapin mamayang gabi kasi kailangan mong matulog ng maaga eh, bukas kailangan mo ng umalis papasok ka na kasi, luluwas ka ng maaga. Kaya nga sinusulit ko na ung huling pagkakataon na makakausap kita ngayong linggo na to eh. PAg Biyernes, darating ka ng gabi, di tayo maguusap nyan, kasi pagod ka, saka baka may ginagawa ako or pagod din ako. Kaya ang usap natin sabado ng umaga jan paggising mo hanggang tanghali, madalas ang gising mo mga 10am. Tapos sa gabi ng sabado maguusap ulit tayo, pag gising ko naman un, mga 8am ako gigising kahit umaga na rin tulog ko, para maabutan kita ng 10pm pa lang jan. MAguusap tayo hanggang mga ala-una, tapos patutulugin kita, at gigisingin kinabukasan, which is Sunday, pra magusap.. OUR LAST USAP for the week. Pero syempre lagi napuputol ung mga usap natin. MAgiinarte yung kapatid mo eh, mangungulit at mangagago tapos susundin ng lahat ng tao o di kaya maiinis nanay mo saka ikaw ang papagalitan dahil makulit ung kapatid mo. Lintik na buhay to! BAD TRIP! BWISIT! NAGSSACRIFICE DIN NAMAN AKO AH! DI LANG IKAW. Di nga ako natutulog ng mahaba pag weekend eh, kasi alam ko yung schedule natin. I'm trying to adjust as much as I can. BAdtrip lang talaga!
SASAGOT KA: Di lang naman ikaw ang nahihirapan eh. Di ka ba thankful na nakakapagusap na tayo ngayon kesa noon na puro text lang tayo. PAsensya ka na, nangungulit na talaga eh, kinukulit na lahat ng tao dito, ayoko ng mapagalitan pa dahil nangungulit na siya. Sige na, i love you thank you. Be thankful ha! Buti na nga ngayon naguusap na tayo eh! Buti nga may way na para makapagusap tayo ngayon eh. Pasensya na talaga, di lang naman kasi ako ang gumagamit ng computer namin eh. Sorry.
LEI na mabait: Okay lang. Umalis ka na lang. Buti na nga lang nakakapagusap na tayo ngayon. I am happy kahit paano. Thank you ah. And I know I need to understand, di lang naman ako ang kinakausap mo, di lang naman ako gumagamit ng pc nyo, ska di lang ako ang tao sa mundo mo. Tama na rin siguro na ganito. Thankyou parin kasi nakakapagusap na tayo. Naiintindihan kita. Ayoko kasi na awayin ka pa yoko lang maipit ka sa gitna, alam kong nahihirapan ka sa pagbalance mo sakin. Yoko ng umabot sa kailangan mo ng pumili pa talaga. Sorry na. I am sorry for acting childish and immature. Sorry for not understanding. Sorry for demanding more. I shouldn't. I should be happy with this.
LEi na TAO: OO NA! THANKYOU! salamat kasi nakakapagusap na tayo! But do u have to bring that up everytime our conversation will get cut off? Lagi mo parin bang ipapaalala sakin na pasalamat ako at nakakapagusap na tayo ulit dahil may computer na ulit kayo at nakadsl from your tito. Utang na loob ko ba to? Hanggang kelan ko ba babayaran ng pasasalamat na inayos mo tong lahat para makapgusap na tayo? Until when ha? Til when should I give in? Til when ka papayag? Til when ba ganito? OO na, thankyou BUT... (i know what I will say, u know all the buts, I do not wanna repeat myself anymore. SOrry).
<< balik-balik