HALINA SA PAROKYA!!!
ASTIGIN!!!
matapos ang katahimikan, eto nagbabalik muli ang kalokohan ng Parokya ni Edgar!!! Di ko alam kung anung meron sa mga kanta nila, siguro dahil sobrang relaxing and modern pinoy ang mga tema... parang isang grupo na ang gusto gawin sa buhay ay magsaya, tumugtog at kumanta. Anu pa nga bang hahanapin mo diba?
Paborito ko sa 8th album nila ("HaLina sa PAROKYA") yung kantang "GITARA." Napaka sarap pakinggan ng melody, easy lang ang tugtog, parang yung mga magkakaibigang nagkakantahang kahit anu lang, tas parang anything goes!
Yung picture... sina Chito matsing at si Mr Suave (Vinci)... tas yung buong band... Order Taker (Dindin), Pedro the Basura Man (Buwi), Big Bird (Darius) at Uncle Gab and his Lucky Seven Club (Gab)... Yan sila ngayon... talgang may tama itong bandang to! ANGKULIT! -------------> (parang ako urKuLetz!) eheheh...
Yung umbrella theme is batibot con sesame street... oh diba bago to, kaya lang di siya para sa mga very very young kids... para siya sa mga tulad kong minsa'y naging addict sa batibot at hanggang ngayun ay nangangarap na sana di na lang ako tumanda! hahaha... I guess, kung ikaw ay makulit (**pumalakpak** at buhay mo ay sisigla) at kung ikaw ay di tumatanda (**pumalakpak** ) para sa'yo to! ----------------------> PnE!
****
It's way better than CUESHE, but different from HALE! :D
at sana... SPONGECOLA remained as in indie artists... dahil mas gusto ko mga tugtog nila nung di pa sila hawak ng isang rekord kampany!
Oppps lumalabas na naman yata ang anti-capitalistic attitude ko, well kasi totoo naman. I guess dahil hindi sila KASING SIKAT ng parokya ni edgar, yung expression nila of their own kind of music mejo nawawala. Every band, ung mga sikat talga, has their own unique signature sa mga kanta nila, kung di ka kasing sikat ng mga bandang un, record companies will dictate the kind of songs they want you to make-- and in return, nasasacrifice yung originality at self expression ng mga bandang ito. Oh well.. opinion ko lang ito. piz awt!
<< balik-balik