Friday, September 30, 2005

great day for the student nurse...

ako'y kumakanta ng: "..laging may umagang kay ganda.. ang sikat ng araw may dalang liwanag.."

ITS A GREAAAAAAAAAAAAAT DAY!!

kahit 2 days na akong nagigising ng 5am for my clinicals, and so far I have taken care of 3 patients in total... yung third patient ko kaninang umaga is sucha sweet and funny old lady...

Parang ang sarap maging nurse kung lahat ng pasyente katulad nya. Parang ang sarap gawin lahat ng gagawin dahil naaapreciate nya simple things that I do for her.

Such a sweet lady... and my day is simply AWESOME! (tho im so tired and sleepy and not really functioning well after post conference with our clinical instructor.)

I hope she feels better after the surgery... :)
___________________________________
miss you houie... tagal na natin di naguusap ah!! miss na kta!

Wednesday, September 21, 2005

mahirap...mahirap itago

ako'y kumakanta ng: "i think im inlove.. i think im inlove.. with you..."


kasalanan ba ang magkaron ng crush!?!

bakit ganun? habang yung iba kinikilig, ako nagtatago. HAbagn ang iba naghahagikhikan at nagtatawanan tungkol sa mga crush nila, ako nakikipag kulitan kasi hindi ko pede ikwentu ang mga kilig moments ko with my crushes sa school... BAKIT?

Eh kasi alam kong hindi normal ang mga nagiging crush ko. Hindi yun dahil abnormal sila, kundi dahil alam ko na abnormal ang nararamdaman ko.

Simula pa lang ng bata ako.. PERO HANGGANG NGAYUN BA NAMAN???

Bakit kasi ganun eh... bakit sa tuwing nagkakacrush ako, parang isang parusa.
Bakit sa tuwing makakakita ako ng isang tao na inaadmire ko, sinasabi naman ng utak ko na itago mo lang yan... di yan pede...

PERO EH ANUNG MAGAGAWA KO.. crush ko sya eh.. crush ko sya.. crush lang naman eh..

kailangan ko palaging kontrahin ang isip ko, kailangan kontrahin ang sinasabi ng society na ngpalaki sakin... PUCHA talaga... anu bang masama?? crush ko lang siya!! pero bakit ko ba palagi na lang itago pag angkakacrush ako....

ANG HIRAP KUNG MAY CRUSH KA NA DI MO MAN LANG MACELEBRATE....

ang hirap.. kung lagi ka na lang nagtatago ng feelings mo...

eh panu pa kaya yung mahal mo na yung tao...panu pa kaya kung inlove ka na dun sa tao.. panu kung mahal na mahal mo na siya... itatago mo pa ba? ipagkakait mo pa ba sa sarili mo yung magcelebrate ng pagmamahal mo sa isang tao?

ang sarap magmahal.. ang sarap din ng minamahal ka nung taong mahal mo.. yung hindi ka naghahanap dahil dumating siya sa buhay mo... yung di mo na kailangan maghintay dahil kusa siyang dumating sa tamang oras sa tamang panahon...

swerte ko... kaya lang.. malas parin.. kasi kung yung gma crushes ko nga kailangan itago sa mundo...eh .. gaano kaya kasakit at kahirap itago sa mundo yung PAG-IBIG na meron ako.. yung itago sa mundo yung relasyong meron kami ng mahal ko.. yung ipagkait sa mga sarili namin yung kasiyahan ng pagmamahalan namin para lang hindi tingnan ng masama at pandirihan...

mahirap...

napakahirap...

Friday, September 16, 2005

Pahabol sa bertdey!!!


ako'y kumakanta ng: "if i was a rich girl... nananananana"

But richness is nuthing without somebody to share it with...
I guess i found my treasure.... and she sent me this one:

Also, si abeleyn, clasmate ko sya nung Highschool... and its just so touching na magspend ng time to sit on her chair and send me an email... because its my borthday. Saka.. astig din kasi u know why? paminsan minsan i know naalala niya ko kasi nageemail sya! hahaha...


THANKYOU MGA PIPOL!!!

Thursday, September 15, 2005

BENTE ANYOS...


ako'y kumakanta ng: Happy Birthday to me...

I AM OFFICIALLY DONE WITH MY "TEEN" YEARS...

...and this is my rite of passage...

September 14, 2005 (Independence, MO >>>kaya 9/15/05 na sa Pinas)
Buong umaga nakatutok ako sa computer ko, namimirata ng mga kanta. May nagmsg sakin:
jhing (9/14/2005 11:08:06 AM): hapi,hapi bday bunso! May u enjoy ur day
wd mum n dad.Try 2 b hapi ok?Take cre n gudlak n ol ur endeav0rs.Lab yah!
Mwah
Ang thoughtful noh??? hehe.. that made me really smile that morning.. REALLY...
Tas afternoon, i need to do my patient visiting (pupunta sa pasyente na assigned sakin sa nursing home...) I took her vital signs, update her health conditions, and taught her about heart failure and edema. She also made my day!!! Kasi the old lady was so comfy to share stories with me... Basta it was so fulfilling lang.

BUT ANG PINAKAMASAYANG BAHAGI NG BIRTHDAY KO AY.....


(count all the stamps... each stamp is 20php... so if u do da math, it cost her almost P900!!!)

Pero sabi nga nila, wala naman sa presyo yan eh...

Postage STAMPS -----------> 900 pesos

GIFTS NI HOUIE ------------> priceless.

Ang laman ng diskettes ay mga pictures nya, pero i won't post it here coz it is unappropriate for very young audiences... haha!! saka it's for my eyes onlee...

And of course ang mga cassette tapes... (mejo low tech parin houie ko eh... pag nagpapadala me sa kanya ng voice mesages and kanta ko, nasa CD... pag siya nasa cassette tape..hehe!) na naglalaman ng mga awitin niya para sa akin! mga salita na paulit ulit kong pinakikinggan sa loob ng kotse ko... at mga kantang sumusunog sa tenga ko... Mejo nakakabaliw nga yung ganito eh.. kaso pag sobrang malungkot ako at kailangan ko marining ang boses nya-- tas wla kaming pera para tawagan ang isa't isa.. ayan ang mgacassette tapes... KASO NGA LANG, after ilang months, memorize ko na ang dialouge namin... kc sinasagot ko sya at kinakausap habang nagmamaneho ako! gets mo na sakit ko sa utak? dahil yan sa kabaliwan ko sa kanya.. MISS NA MISS KO NA KASI EH!! subraaaaaaaaaa!!!!

Di lang jan nagtatapos ang MASAAAAAAAARAAAAAAAAAAAP na pabertday sakin...

Since, di pumasok dady ko at mom ko kahapon sa office, nagwork lang sila dito sa bahay, kaya wlang may gusto magluto... Sabi nila kain tayo sa labas... ang sabi ko: PIZZA MASAYA NA AKO!! wooooooooooooooooooooooooohoooooooooo!! PIZZA TYM FROM PIZZA HUT!

PIZZA HUT ---> Gather 'round the good stuff!

September 15, 2005 dito sa phakamerika... Binati ako ng mga kapatid ko, at ng aking payrents!

at eto ang gifts nila sakin:


at check na nagkakahalaga ng... ----> SECRET!

Di lang jan nagtatapos ang aking bertdey... Pagkatapos ng klase ko 8-1pm, dumiretso ako sa lab partner ko at tinulungan ko siya mag lipat... nagulat nga ako at nagoffer ako ng tulong!hahaha... phakshet! ang sakit tuloy ng katawan ko!huwaaaa!! pero ok lang.. baka sign ito na tumatanda na nga ako...

BUMABAIT NA YATA AKO EH! ohmahgudness...

Kaya di man traditional na handaan at berdeyan ang araw ko... na enjoy ko parin ito... mga messages sa akin, mga regalo, ung mgakatulong ako at higit sa lhat.. marinig at makita ko ang houie koh! hehe...

Sunday, September 11, 2005

breaking news... lesbian cows.. LOL

ako'y kumakanta ng: Untitled by Simple Plan


Video code provided by Music Video Codes
and
Rose
---------------------------------------------------------

Last entry ko, na-shock ako sa lesbian LOVE STORY ng mga SWANS sa Boston...
(Di ko alam na swans lay their eggs, pero in order na maging maayus yung pag hatch, need ifertilize ng guy yung eggs.. but they can lay their eggs ah.. hmm nabasa ko lang..)

MAY ISA PANG PASABOG!!!
Kanina, habang nagsusurf ako ng mga music codes online... napadpad ako sa isang australian website... I clicked some links and...... TADAAAAAAAAAH!
NakakaBAKLA ang mga balita! Di ko alam kung anung meron sa browser ko at sa kung anu anung mga balitang hayop ako napapadpad.

A s t e e g noh???

Ang TAO considered hayop... highest form nga lang. Pero kung iisipin, applicable din kya sa kin ang findings na nakita nila sa mga domesticated cows, compared sa wild cattles???

Sabi kasi sa news, KAPAG ON HEAT na ang mga domesticated cows, naiinvolve sila sa girl-on-girl mounting! Yung mga wild cattles daw, hindi naman ganun ang behavior... LOOOOOOOOOOOOOL!! kakaloka talga! (eh di domesticated pala ako... hehe. ako ang domesticated at kayo ang wild...hahahA)

At ang matindi... hindi lang cows ang ganun... pati daw mga rabbit at koala bears... hahaha... asteg! Dahil daw yun sa stress... STRESS RELEASE ANG HOMOSEXUAL SEX! waahahaha...

... there is a nature/nurture punch-up looming here among the world's experts in animal homosexuality. Phillips' assertions are at odds with Oregon Health & Science University School research which suggested that homosexuality in sheep was caused by smaller ovine sexually dimorphic nuclei in the hypothalamus. As team leader professor Charles Roselli put it: "This particular study, along with others, strongly suggests that sexual preference is biologically determined in animals, and possibly in humans."


i am stressed out right now... can i have homosexual S-E-X as my release... pleasee.... HAHAHA!!

Thursday, September 08, 2005

i miss you and me...

ako'y kumakanta ng: "YOU AND ME" by Lifehouse
What day is it? And in what month?
This clock never seemed so alive
I can't keep up and I can't back down
I've been losing so much time

Cause it's you and me
And all of the people with nothing to do
Nothing to lose
And it's you and me and all of the people
And I don't know why, I can't keep my eyes off of you

All of the things that I want to say
Just aren't coming out right
I'm tripping on words
You've got my head spinning
I don't know where to go from here

Cause it's you and me
And all of the people with nothing to do
Nothing to prove
And it's you and me and all of the people
And I don't know why, I can't keep my eyes off of you

There's something about you now
I can't quite figure out
Everything she does is beautiful
Everything she does is right

Cause it's you and me
And all of the people with nothing to do
Nothing to lose

And it's you and me and all of the people
And I don't know why, I can't keep my eyes off of you

And me and all of the people with nothing to do
Nothing to prove

And it's you and me and all of the people
And I don't know why, I can't keep my eyes off of you


What day is it?
And in what month?
This clock never seemed so alive

------------------------------------------
Di ko alam kung anung gsto ko isulat. Walang laman yung utak ko, ay hinde, ayoko lang mag-isip ngayon... ayoko.

Sa mga oras na to, meron akong gustong malaman, bakit namimiss kita ng sobra? bakit sobra?

(anu bang tagalog ng miss?!?)
------------------------------------------
Tinamaan ako bigla, habang nanonood ng season premiere ng "REUNION." Nagbabago lahat. and dun sa TV show na yun, summer before college when it all began changing...

Tulad nila, it was the summer after i graduated in highschool when everything changed for me. I hit some high notes, but i mostly stayed on the lower notes... Until now, i occasionally jump and hit a few high notes in life... but i guess as long as i am away from HER, away from HER, awaaay from HER... i will always be on the lower notes...

After all,
"IT'S JUST YOU AND ME, and all of the people..."
______________________________________
//edit
i was suppose to end my blog here.. kaso while surfing i found this story....
asssssssssssssssteeeeeeeeeeeeeeeeeeeeg!!
----------------------------------------

This is a reaaaaaaaaaaaaaaaaaaally inspiring and funny story....

Akalain mo? pinangalanan na ROMEO AND JULIET YUNG SWANS!! ANd later on, they found out.... na..........

IT'S A SAME SEX COUPLE!!!!!!

THEY ARE LESBIAN SWANS PEOPLE!

LESBIAN SWANS...

Wednesday, September 07, 2005

noon at ngayon..

nakikinig kay: GLOC 9! hehe...

NOON: mga ilang taon lang ang nakakalipas... sooooooooobrang gusto ko ang iskul! Kahita mahirap gumising ng maaga, parang sulit ang WHOLE DAY na tinatagal ko sa iskul. Kahit 9 subjects ang meron ako, okay lang. Walang reklamo, kahit mahirap. Ang toto nga niyan eh, masaya pa ko noon eh. NAG-EENJOY!!

6:00 am to 4:00 pm, antagal. sobra.Pero ang hindi ko maintindihan, pagkauwi kos a bahay ng mga 5:00 pm, may lakas pa ko para makipagtelebabad, lumabas ng bahay at maggala at sa gabi, gumawa ng homeworks. May lakas pa akong tumambay kasama ng mga klasmates ko...

NGAYON: 7:00 am to 12:00 nn lang ang pasok ko madalas. Kung minsan 8:00-3:00 (Ngayon lang yan, di pa kasi nagsisimula ung ibang classes ko na pamatay...) Pero sa tuwing uuwi ako sa hapon, parang yung utak ko, katawan ko at ang lahat sa akin, untiunting nagcocollapse. Bumibigay. At ang tanging nagpapasya sa araw ko...

yung makita yung mga ngiti niya sa wallpaper ng PC ko, pati na rin yun mga titig niya na nasa mga picture frames sa kwarto ko. Yun, yun lang ang nagpapasayang muli sa akin. Nagbibigay lakas sa mga araw na gusto ko nang sumuko at takasan lahat ng bagay na dapat kong ginagawa.

NOON: masayahin ako, makulit (kaya nga kuletz ang tawag niya sa kin eh), gagong mabait ako, palatawa, walang ginawa kundi mangulit at manginis, makipagkwentuhan, makipagkilitian at makipagtawanan.
Natatandaan ko pa nga nung hayskul ako, sabi ng typing teacher namin: "Kung sinong makakapagpaiyak kay Lea, bibigyan ko ng bonus points..." Nagtawanan lang kami, dahil alam namin WALANG magpapaiyak sakin. Masayahin ako eh, lahat ng problema ikukunot lang ng noo ko pero mamaya tatawanan ko na lang. Ganun ako eh, may problema pero nakatago, di apektado kung sino ako, masaya.. yung mga problema lumilipas. Hindi nagtatagal.

NGAYON: Prang nagbaliktad na ang mundo. Kung may magpapatahan sakin tuwing gabi, kung may sasalo ng mga luha mula sa aking mga mata... ako na mismo ang magbibigay ng bonus points. Masakit sa ulo, pahirap sa dibdib. Nakakatuyo ng utak ang pag-iyak.


BAKIT kaya nawawala ang sense of humor ko? bakit nawawala na yung dating saya at ngiti na meron ako? BAkit sa tuwing umaga na gigising ako at haharap sa salamin, ibang mukha---ibang tao ang nakikita ko... Hindi ako ito eh... di ako ganito... BUT WHAT THE HECK?!? tumatanda na ako... nagmamature sabi nila... parte lang to ng pagtanda... parte lang ng pagbabago sa buhay ng isang tao...

Kung lahat ng KALUNGKUTANG ito ay parte ng aking PAGTANDA...
PANALANGIN KO SANA'Y MANATILI AKONG BATA...

Friday, September 02, 2005

katahimikan...



Inaalay ko ang bulaklak na ito... kasama ng ilang saglit ng katahimikan para sa pinakamalapit na lola ng aking minamahal.

Ako ay nakikiramay sa inyong pagluluksa...


______________________________

Ako ay nagpapasalamat... sa isang kaibigan na hindi ko inakalang magiging kaibigan ko pa rin hanggang sa ngayon. Sa dami ng mga pangyayaring naglagay ng lamat sa aming pagkakaibigan, ako ay lubusang natutuwa at nagagalak sapagkat hanggang ngayon, kami'y magkaibigan muli. Sa ilang taon ng pagkakalayo, sa aking palagay ay muling nagbabalik ang isang pagkakaibigan. Maraming nagnyari, sa buhay niya at sa buhay ko, pero ang mga suliranin sa buhay namin ngayon ang siyang tila naglalapit sa aming muli...

Salamat... sa hindi mo tuluyang paglayo...

Salamat... sa pagiging mapagpatawad mo...

Salamat... sa muli mong pagbabalik sa aking buhay...

Salamat... at muli mong binuksan ang iyong sarili sa akin upang tanggapin ang pakikipagkaibigan sa akin.

SALAMAT...


__________________________________
***houie, di kasalanan ang umiyak. sa mga panahong nahihirapan ka, nalulungkot, at nagdaramdam... minsan ang tanging kaibigan mo lamang ay ang pag-iyak.

pero lagi mo tandaan, kung hindi sapat ang umiyak, kuhanin mo lang ang iyong telepono at ako ay tawagan ( o di kaya ay utusang tumawag sayo). Palagi lamang ako naririto para sayo.. bilang kaibigan mo at bilang ka-ibigan mo.

MAHAL NA MAHAL NA MAHAL KITA...