noon at ngayon..
NOON: mga ilang taon lang ang nakakalipas... sooooooooobrang gusto ko ang iskul! Kahita mahirap gumising ng maaga, parang sulit ang WHOLE DAY na tinatagal ko sa iskul. Kahit 9 subjects ang meron ako, okay lang. Walang reklamo, kahit mahirap. Ang toto nga niyan eh, masaya pa ko noon eh. NAG-EENJOY!!
6:00 am to 4:00 pm, antagal. sobra.Pero ang hindi ko maintindihan, pagkauwi kos a bahay ng mga 5:00 pm, may lakas pa ko para makipagtelebabad, lumabas ng bahay at maggala at sa gabi, gumawa ng homeworks. May lakas pa akong tumambay kasama ng mga klasmates ko...
NGAYON: 7:00 am to 12:00 nn lang ang pasok ko madalas. Kung minsan 8:00-3:00 (Ngayon lang yan, di pa kasi nagsisimula ung ibang classes ko na pamatay...) Pero sa tuwing uuwi ako sa hapon, parang yung utak ko, katawan ko at ang lahat sa akin, untiunting nagcocollapse. Bumibigay. At ang tanging nagpapasya sa araw ko...

yung makita yung mga ngiti niya sa wallpaper ng PC ko, pati na rin yun mga titig niya na nasa mga picture frames sa kwarto ko. Yun, yun lang ang nagpapasayang muli sa akin. Nagbibigay lakas sa mga araw na gusto ko nang sumuko at takasan lahat ng bagay na dapat kong ginagawa.
NOON: masayahin ako, makulit (kaya nga kuletz ang tawag niya sa kin eh), gagong mabait ako, palatawa, walang ginawa kundi mangulit at manginis, makipagkwentuhan, makipagkilitian at makipagtawanan.
Natatandaan ko pa nga nung hayskul ako, sabi ng typing teacher namin: "Kung sinong makakapagpaiyak kay Lea, bibigyan ko ng bonus points..." Nagtawanan lang kami, dahil alam namin WALANG magpapaiyak sakin. Masayahin ako eh, lahat ng problema ikukunot lang ng noo ko pero mamaya tatawanan ko na lang. Ganun ako eh, may problema pero nakatago, di apektado kung sino ako, masaya.. yung mga problema lumilipas. Hindi nagtatagal.
NGAYON: Prang nagbaliktad na ang mundo. Kung may magpapatahan sakin tuwing gabi, kung may sasalo ng mga luha mula sa aking mga mata... ako na mismo ang magbibigay ng bonus points. Masakit sa ulo, pahirap sa dibdib. Nakakatuyo ng utak ang pag-iyak.
ako si Lei. 'kuletz' binyag ni mahal ko. hou, houie pag malambing. makulet ako. inlab sa houie ko. obses sa mahal ko. dugong pilipino. malalim pag nasasaktan. mababaw pag masaya. manunulat pag may daing. manunulat pag baliw. manunulat pag inlab. walang kwenta pag bangag. hyper pag madaling araw. simpleng tao pero komplikado. masinop pero burara. mahiyain pero maingay. may sariling mundo. may sariling pananaw at puno ng tinatawag nilang "labels". 'abnormal' sabi ng lipunan. 'baliw' sabi ng siyensya. 'makasalanan' sabi ng bibliya. Yan ako, ang nagiisa... si KuLetz.

<< balik-balik