Thursday, November 30, 2006

hirap pala talaga

after almost four years (3 years, 11 months, and 7 days), ngayon lang ata ako nakaramdam ng ganito? Ngayon nga lang ba?

Pero slowly nararamdaman ko na yung hirap. Akala ko immune na ko sa sakit, di na kahit kelan makakramdam ng kahit ano, pero di totoo yun.

Akala ko nga noon sa daming beses na niya ko hinatid sa airport, sa daming beses ko ng umalis akala ko matutunan ko ng di masaktan, di maghanap ng pagmamahal niya, di manabik sa kanya.. pero kahit isa wlang tama. Kabaliktaran pa nangyari.

Sa bawat alis ko, sa bawat paghihiwalay namin, lalong sumasakit, lalong humihirap, lalong lumalalim ang pagmamahal ko, lalong tumitindi ang pananabik at lalo rin akong nahihirapan. Anu bang dapat kong gawin???

ANG HIRAP NA. HIRAP.
Bilang ang oras kung kelan pde mag-usap. Baliktad ang gabi't araw.
Ang hirap. masakit. mahirap huminga, ganun yung sakit. parang pinipiga yung dibdib ko, at puro luha lang ang lumalabas. Sa bawat iyak, kahit papano nababawasan yung sakit at makakatulog ako sa pagod.
Pero ang hirap. ANG HIRAP HIRAP.

Di ako susuko. Tanga lang ang sumusuko. Wala naman akong kaagaw, panahon lang. Wala namang problema, oras lang. Kumpleto naman eh, atensyon lang ang wala. Ayus naman lahat, namimiss lang kita. Kelan nga tayo uli huling nagusap?
Kanikanina lang... "hi hello alis na ko" ganyan katagal.

Pero okay lang yun. Walang problema. Ako pa? kelan ba ko nasaktan? kelan ba ko nagkaproblema? kelan ba ko nahirapan? AKO PA? eh Okay naman ako palagi. Kelan ba hinde? diba?

"Lei lei lei, huminga ka na lang ng malalim. saka iiyak mo na lang lahat yan. sabi ko na kasi sayo, wag ka ng maghintay matigal lang talga yang ulo mo. di ka nakikinig sakin. gumising ka na kasi. gawin mo yung mga dapat mong gawin, wag mo na intindihin yung oras na pede siya. kalimutan mong iba ang oras dun. wag ka na magisip. wag mo ng abangan palagi. wag ka ng maghintay. oa ka na eh. oa ka na."