"yun na nga... for 5 years..."
"yun na nga... for 5 years... 5 years na ngang nagdodoubt kung ako talaga ang mahal mo"
pag sinabi yan sayo anung mararamdaman mo?
parang kinurot ung puso ko. Di ako makahinga. masakit sa dibdib. yung luha ko prang piniga sa mata ko.
ansakit sakit. kasi for 5 years pinakita ko lahat binigay ko lahat. pero parang everything isn't enough for her... sakit.hirap ng ganun.
5 years na palang nagddoubt. so pag nagsasabi pala ako ng 'iloveyou' di sya naniniwala.
nakakapanghina. nakakapanglambot.
---kaya mo yan lei.. deep breathe.. hinga ng malalim.. wag kang iiyak. hayaan mo na lang yan. intindihin. kaya mo yan. pakita mo lang na seyoso ka at totoo lahat...bigaymo lang lahat. intindihin mong til magawa mo yung part mo..siya na bahala kung tatanggapin nya yun o magddoubt parin. kya mo yan..



sana maimbento na rin ung amoy kasi sabi nya super bango daw ng amoy....
ako si Lei. 'kuletz' binyag ni mahal ko. hou, houie pag malambing. makulet ako. inlab sa houie ko. obses sa mahal ko. dugong pilipino. malalim pag nasasaktan. mababaw pag masaya. manunulat pag may daing. manunulat pag baliw. manunulat pag inlab. walang kwenta pag bangag. hyper pag madaling araw. simpleng tao pero komplikado. masinop pero burara. mahiyain pero maingay. may sariling mundo. may sariling pananaw at puno ng tinatawag nilang "labels". 'abnormal' sabi ng lipunan. 'baliw' sabi ng siyensya. 'makasalanan' sabi ng bibliya. Yan ako, ang nagiisa... si KuLetz.
