Kakapagod.. Nagluto ako for 4 hours today. Eh kasi may pasok ako ng 2days. eh wla pa akong ibabaon saka para magamit na rin ung mga gulay at kung anu anu sa ref na naiwan.. kaya ang dami kong niluto.para mas madali maginit na lang... Lalo n pag may pasok wla ng time to cook sa umaga or sa gabi. tas nagbabaon pa ko para mas tipid hehe...
Lam mo niluto ko?
Yung ampalaya na may itlog.
Kalabasa at okra ginisa lang.
Adobo chix wings.
Beefsteak
Meatloaf con embutido (with spinach, mushrooms, carrots, onions, green onions at left over sausage)
Meat balls (same as the meatloaf wla nga lang ung sausage.)
Okay din naman ung lasa.. Di ko na maulit ung ginawa kong meatloaf last time kakainis. pero masarap now saka mas healthy kasi may spinach pa.hehe
Uie tikman mo? Namimiss na kita!!
ako si Lei. 'kuletz' binyag ni mahal ko. hou, houie pag malambing. makulet ako. inlab sa houie ko. obses sa mahal ko. dugong pilipino. malalim pag nasasaktan. mababaw pag masaya. manunulat pag may daing. manunulat pag baliw. manunulat pag inlab. walang kwenta pag bangag. hyper pag madaling araw. simpleng tao pero komplikado. masinop pero burara. mahiyain pero maingay. may sariling mundo. may sariling pananaw at puno ng tinatawag nilang "labels". 'abnormal' sabi ng lipunan. 'baliw' sabi ng siyensya. 'makasalanan' sabi ng bibliya. Yan ako, ang nagiisa... si KuLetz.

<< balik-balik