Tuesday, August 30, 2005

mensahe...

ako'y kumakanta ng: MASAYA by bamboo

Ang WISH ko lang... sa darating na birthday ko:
---yung maging masaya ako... yung totoong masaya.. yung matutunan kona ulit tumawa... yung kahit sandali mawala ang luha sa mga mata ko... yung magandang araw na gigising ako at makikita ko sa tabi ko ung isang taong gusto ko makatabi buong buhay ko... yung makita ko kung nasan ako, kung san napunta yung sarili ko at kung bakit nawawala ako... yung maging masaya... MASAYA... hindi yung pilit na masaya ah.. or yung circumstantial na masaya... gusto ko yung MASAYA... ung panatag ang loob ko sa ginagawa ko... may ngiti sa mga mata ko... at masaya... MASAYA.


----
Ang hirap... ang gulo...
Anung silbi nito?
Kung sinisira lang ako.
Masaya ka,
eh panu naman ako?
may bukas nga,
pero pano ngayon?

Di mo ko maiintindihan,
dahil di mo alam...
mahirap sabihin.
mahirap ipaalam.
sa mga luha ko
wala kang pakialam.

Hinihingi ko lang
yung maging masaya
kung pano,
ewan ko.
kung kailan,
sana ngayon
kung pede, ewan.

Wag mong hintayin
na ako'y mapagod na
pigilan ang sarili
na takasan ang problema.
Wag mong patagalin,
wag baliwalain,
wag mong hintayin
na ang dasal mo'y
sa kaluluwa na lang ialay.

Monday, August 29, 2005

A chef by heart...a nurse without a choice..

ako'y kumakanta ng: TATTOOED ON MY MIND by d'sound


It's my first day back to nursing school... ---------------- :(

I was sad... but several things made my day today...

1. ang aking aklat. (di pede english kasi maiintindihan if ever may mga cm8s ako na magsurf at malaman ang blog ko.. heheh..)
--eto ang nangyari, para makasave ng kaunting pera, binili ko yung isang libro ko sa internet,
nung nagsusurf ako nakita kong may mas bagong edition so, bago ako bumili online, next day tinanong ko ung babae sa bukstor. Sabi lang niya bilin ung mas luma kasi yun DAW ang required. Siyempre ang saya ko! pag mas lumang edition, mas mura... So, binili ko for $12.00 kesa $53.00 sa bukstor. Nang dumating na sakin, ganda ng book, brand new makinis at wlang sulat. KAYA LANG... PAG BUKAS KO NG EMAIL, sabi ng aming guro... papalitan daw ang libro namin, kaya ang mga bumili ng lumang edition sa bukstor, papalitan lang sa lunes ng mas bago....
GUESS WHAT GINAWA KO???
of course nakipila ako... hahaha... sabi ng cm8 ko na may alam na di ko sa bukstore binili="DI MO PDE GAWIN YAN!" sabi ko...="AT BAKIT HINDE?!" tas umalis na siya (palibhasa naiwan libro nya kaya di makapagpapalit.. haha) .Sa isip isip ko kung di pede palitan, at kailangan ng resibo eh di sasabhin ko hinde ko na lang papalitan... kaso di nagtanong eh.. kinolekta ng babae lahat ng lumang libro at BINIGYAN NIYA AKO NG BAGONG LIBRO! WOOOOOOOOHOOOO!
say mo??!?!? tsk tsk tsk.. kung mangongonsensya ka lang, di me makokonsensya, mali nila yun, dahil sinabi ko ng may mas bago, at di nila ako pinakinggan!hehe... :D

2. narinig ko boses niya... (ang boses ng mahal ko.. tinawagan ko siya para gisingin kanikanina lang...)
TINAWAGAN KO SI HOUIE KO!!!!!!!!! narinig ko boses nya..hehe kakatawa sobrang bagong gising at naiimagine ko ang muka niya.. prang pag magktabi kami sa kama tas paggising niya ako ung una niyang maririnig at makikita.. sarap!! SABI KO NGA SA LUMANG POST KO... marinig ko lang ang boses niya... HEAVEN NA! Parang sex na sa LDRs.. hihi.. sarap..kilig...
HER VOICE MADE MY DAY!!!

3. a pseudoCHEF + my future RESTO
Kanina habang nagluluto ako ng makakain ko... biglang nagtsunami ng idea sa utak ko...
OO nga... PANGARAP KO ang magkaron ng resto business... ako yung incharge sa kitchen.. at si hou sa relations and we'll share the managerial (?) job. Pero ang pangarap na ito... ay after namin mag invest sa isang fastfood chain... and the profit will go for the investment of OUR resto...
Ang daming idea sa utak ko.. different entres, different gimmicks, yung name ng resto.. SHET, i wish i can go to culinary school and become the real deal chef... KAYA LANG MAY ISANG PROB, i don't like herbs and other spices that much... AYOKO NG OA SA DAMING INGREDIENTS.. at ayoko ng OA SA COMPLIKADONG RECIPE... plus i dont and i cant follow recipes...
MY cooking style: ILABAS LAHAT NG NASA REF NA MABUBULOK NA... at magisip ng lulutuin from all the ingredients... hehe... astig?
And i really just want everything SIMPLE but TASTY...

so.. I AM THINKING...

urKuLetz
it's how simple it is...

-or-

Simply urKuLetz...

Saturday, August 27, 2005

ako'y malungkot na naman...

PHAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAKSHETT!!!


Bukas magtatapos ang aking bakasyon. PHAKSHET papasok na naman!
Bukas magtatapos ang aking bakasyon. PHAKSHET papasok na naman!
Bukas magtatapos ang aking bakasyon. PHAKSHET papasok na naman!
Bukas magtatapos ang aking bakasyon. PHAKSHET papasok na naman!
Bukas magtatapos ang aking bakasyon. PHAKSHET papasok na naman!


Naging okay na nga ako nung bakasyon eh!
(at least kahit konti... nabawasan ang luha sa kama ko)
Kahit papano nakakahinga na nga ako ulit eh!
Nagiging cute na nga ako ulit eh... pero isang linggo lang ang binigay...
1 linggo!
MAY MAS LULUPIT PA BA?!?!

Eto ang project ko nung bakasyon ako. Dati blue yang pintuan na yan, ngayun puti na,kaso siyempre pers taym ko nagpintura ng kotse kaya di kamukha ng original. Saka aerosol spray lang gamit ko eh.. di naman ung paint gun, so..what should i expect right? Pero ang goal lang naman nyan eh mapaglapit ung kulay ng pinto at nugn katawan... Noon syadong halata blue vs. white eh. hehe... **Pero di pa tapos yan... abangan (mo houie) ung finish product**


ANOOOOOOOOOOOOOH!?!?!?!?! Hehehe.. ***houie forgive me for posting ur pic here***
MISSSSSSSSSSSSSSS NA MISSSSSSSSSSSSS KO na houie koh!! huwaaaaaaaaaaaaaaaaa.... :,( Kung pede lang umiyak sa blog... ginawa ko na sana.haiz...

Ang daming tanong sa utak ko... sana may sagot lahat ng WHAT IF's noh? Kung ang buhay tulad ng DVD movie, pede mo search ung gusto mong part, pede mo skip pag ayaw mo... ang dali sana.. kaya lang life is not meant to be easy... :,(
+What if di ako umalis sa pinas?
+What if di namin tinanggap ung petition?
+What if kung lahat na lang kami nasa cavite?
+What if sa pinas ako nag college? (masay cgro..)
+What if sutil talaga ako at di na sumama 2nd time pabalik dito?
+What if i just quit and say IM DONE?
+What if di ko na lang iniisip ung iba at puro sarili ko na lang...
Annnnnd ang pinaka what if... What if i give up... and say my goodbyes... maiintindihan na kaya nila ako?

Sabi nga ng isang quote: a heartache isn't always as loud as a bomb exploding. sumtimes it is as quiet as a feather falling.. and the most painful part is NO ONE HEARS IT... but YOU.

But at least I have my houie... huz trying to hear each tear thats falling from my eyes... Siya din ang nakakarinig ng feather falling. Our hearts will always talk, even if I can't even say a word.
i love you...

Friday, August 26, 2005

Rotini, chicken, spinach and cheeze


ANSARAAAAAAAAAAP ng dinner ko lastnite!! (pati breakfast ko this morning.. ung left over!)

**houie, inggit ka dito!sarap oh!haha i want you to taste it! U LOVE PASTA right?!? kaya lang ubos na by the time u'l read this..kaya sorry.. next time na lang pag dinalaw mo na ko dito...(kelan pa kaya yun?) :p sarap...sarap!**

hmmm... i think my favorite pasta is ROTINI... kasi yung sauce gets trapped in between the ridges... sarap! MORE SAUCE IN EACH BITE!haha!
yoko talga ang pasta na over cook... i like it mejo makunat pa... but not hard to bite. hehe... kasi that means hilaw pa yun! LOLZ...

Mejo mainit ang ulo ko last nite, so i sauteed chicken breast hard! I was generous on ONIONS too.. i love onions, sliced thinly but marami dapat! Uhmmm...anu bang ginawa ko? sa pagmumulti tasking ng luto, linis at surf sa net, hehe di ko yata matandaan ginawa ko... Syempre while sauteeing(whatta spelling?) ALWAYS SEASON... season with salt/pepper/garlic powder (yoko ng fresh garlic kasi nangagnamoy ung mga damit ko at buong bahay!hahaha... but if kng fresh ung garlic at ung bahay is cooking-friendly.. i will use the fresh ones...) Then I added the (partially)cooked pasta i guess, to absorb some of the flavor, then ung spinach.. tas hinayaan ko na lang mag simmer until the spinach is soooooo DONE.. hehe.. then pinatay ang fire, add mozarella and parmesean (spelling?) cheeeeeeeeeeeeeeeze... sarap! Hehehe... i decyded to use some of the free stuffs from pizza places ung powdered parmesean!kasi mejo luma na yun eh...hahaha...o diba resourceful! YUM!

-----> picture sux eh?hahaha... well courtesy of my celphone...<-----
------------------------------------------------------------
houie labs.. excited na ko magchat! il wait for u dito mamayang gabi!
woooooooooooooooohoooooooooooooooooooooooooooooooo...
people, in a relationship where don't get to see your love one, a simple chat is soooooooooooooooooooo precious... what more a chat with a webcam?? eh with voice and web cam??--->sobra na! HEAVEN na ito! it's probably like sex in a distance!hahahahah.... oops..behave lei...behave..behave..behave.. LOLZ

Thursday, August 25, 2005

HALINA SA PAROKYA!!!


ASTIGIN!!!

matapos ang katahimikan, eto nagbabalik muli ang kalokohan ng Parokya ni Edgar!!! Di ko alam kung anung meron sa mga kanta nila, siguro dahil sobrang relaxing and modern pinoy ang mga tema... parang isang grupo na ang gusto gawin sa buhay ay magsaya, tumugtog at kumanta. Anu pa nga bang hahanapin mo diba?

Paborito ko sa 8th album nila ("HaLina sa PAROKYA") yung kantang "GITARA." Napaka sarap pakinggan ng melody, easy lang ang tugtog, parang yung mga magkakaibigang nagkakantahang kahit anu lang, tas parang anything goes!

Yung picture... sina Chito matsing at si Mr Suave (Vinci)... tas yung buong band... Order Taker (Dindin), Pedro the Basura Man (Buwi), Big Bird (Darius) at Uncle Gab and his Lucky Seven Club (Gab)... Yan sila ngayon... talgang may tama itong bandang to! ANGKULIT! -------------> (parang ako urKuLetz!) eheheh...

Yung umbrella theme is batibot con sesame street... oh diba bago to, kaya lang di siya para sa mga very very young kids... para siya sa mga tulad kong minsa'y naging addict sa batibot at hanggang ngayun ay nangangarap na sana di na lang ako tumanda! hahaha... I guess, kung ikaw ay makulit (**pumalakpak** at buhay mo ay sisigla) at kung ikaw ay di tumatanda (**pumalakpak** ) para sa'yo to! ----------------------> PnE!


****
It's way better than CUESHE, but different from HALE! :D
at sana... SPONGECOLA remained as in indie artists... dahil mas gusto ko mga tugtog nila nung di pa sila hawak ng isang rekord kampany!

Oppps lumalabas na naman yata ang anti-capitalistic attitude ko, well kasi totoo naman. I guess dahil hindi sila KASING SIKAT ng parokya ni edgar, yung expression nila of their own kind of music mejo nawawala. Every band, ung mga sikat talga, has their own unique signature sa mga kanta nila, kung di ka kasing sikat ng mga bandang un, record companies will dictate the kind of songs they want you to make-- and in return, nasasacrifice yung originality at self expression ng mga bandang ito. Oh well.. opinion ko lang ito. piz awt!

BAMBOO's album Light Peace Love


Naranasan mo na bang kilabutan nung una mong narining ung NOYPI sa radyo o sa TV?
Ako? OO! Tumayo lahat ng balahibo ko! Parang may isang malaking tsunami ng dugong Pinoy ang dumaan sa mga ugat ko... mula ulo hanggang paa... Tapos nun nasundan ng isang "alternative love song" entitled MASAYA...

Success ang "As the music play" na 1st album ng Bamboo... at syempre bilang isang addik sa Pinoy bands, umaasa ako na masundan ng kasing ganda o ng mas maganda pang album ang As the music play.
AT di ako binigo ng ikalawang album ng BAMBOO -- Light Peace Love. Kung kinilabutan ako sa kantang NOYPI, nung una ko napakinggan ang kantang "HALLELUJAH" sa abs-cbn now, ganun din naramdaman ko.

Bakit? Ewan ko, siguro kung may isang bagay na maganda ang nagawa ng United States of phakAmerika sakin, eto yung turuan akong sumigaw ng --- "HOY! PINOY AKO!"

I simply love anthemic songs in modern alternative music.

Track list ng BAMBOO Light Peace Love album: (click for lyrics)
1. 04 -------------> "Maybe I’m better off dead"
2. I-You ---->"I never really know what love isTil I found you"
3. F.U. ---> ganda ng message nito!!
4. Dinner at 6 --->"It’s tragic You think you’ve figured me out.."
5. Much Has Been Said... --->"I’m crying out for help" LOVE THIS!
6. Hallelujah --->"Sa bawat lumuluhang dukha—alay ko’y dugo"
7. Truth ----> "As long as I have you at my side"
8. Peace Man -----> ayus din to... mellow lang..
9. Alpha Beta Omega--->"Where the rich get richer The poor just multiply"
10. Children Of The Sun ----> this is my least favorite....hehe..

Haloscan commenting and trackback have been added to this blog.

Wednesday, August 24, 2005

bakit ganun?

sana may madaling way para magsurvive ang isang LDR.
nag hirap hirap kaya,nakakapundi rin kya ang text. lagi na lang bang txt ang gagawin?nakaksawa din un ah... punyeta talga.. alam mo ung minsan alam mong magOOL sya pero di mo rin makakusap kc ang labo eh, busy ksi. May tinatype, may giangawa.. lahat na. Gusto ko lang naman ung makausap sya pagganitong phakshet lahat eh!pag ganitong nababaliw ako.

pero hmmm.. bakit pa? alam naman kasi niya na magiging okay din ako after several day. alam naman nya kasi na after ko umiyak lilipas din lahat. eh punyetang buhay! lagi na lang ba maghihintay ng ganun?! hayz.. i gess lei, alam mo ang sagot... OO

Lei LEI, ang gulo na naman ng utak mo!lumilipad na naman... damdamin mo hinay lang.. ang pagiisip ng taong nasasaktan, naiinis lumalalim... may mga bagay na simple pero nagiging complikado.. mahirap ka intindihin lei, mahirap... kaya nga siguro di mo kaya intindihin ibang tao eh.. sarili mo di mo maintindihan.. labo mo eh! labo mo!

ANU pang paraan ang dapat mong gawin para makausap mo lang siya!AYOKO NA NG TXT!!! pinangarap ko minsan magkaron ng unlimited calls... kahit US to Pinas lang.. hays... mahal..magastos..punyeta.. *ulit*


LET ME SIGH ONE MORE TIME... pkinggan mo sa hanging aking ilalabas ang sakit na tinatago ko sa puso ko.

eto ang bago!?

nakaksawa magpalipat lipat
nakakahili maghanap
nakakasakit ng ulo ang napakaraming pop ads...
nakakainit ng ulo...

pero bakit pa ako magrereklamo, eh lahat naman ng hinahanap ko libre? hehe

so eto LEI! makuntento ka sa blogspot, na mas nakakahilo pa sa pageedit... pero ok lang... sa wakas..

gusto ko lang naman ay makausap ang sarili ko... sa mga panahong di ko alam kung ako'y humihinga pa, sa mga araw na di mo alam kung uulan ba o aaraw...

eto ang simula....

at dito nagtatapos....

ikaw! HOY! PiNOY AKO!!!

Lost identity...

xxx: ***** yko n d2!!!i rili fil degraded.prng d rspctd,non-exstnt.i lost hu i ws s pinas bt ddnt estblishd myslf hr.m cnfused.i dnt knw hu i am nd hu il becom.no idea.sims lyk voices r telin me 2b ds way,act ds way nd sty ds way.i fil m nobody.wla ng ms baba p dn.i hv thngs bt dnt hv me.wts d use?i dnt hv my lyf...

ooo: ****, onting tiis p nd pde k n umuwi.db u wnt ur prents 2b hapi kya m cla cnusunod? un icpn m pra mgkron k ng direction. wag suko. m hir 4u,redy 2 rmind U HU U R ND WT U WANT.

xxx: kht blik me jn 4gud,prng wla n rn me bblikn.m nt d prson hu i used 2b.ngbgo n lhat.i lost my society, ung plce nd pipol wer i blong.iv lost my plce.m floting.jmpng arnd wd no plce 2go.i wna estblsh a new lyf 4myslf.ds s ol abt me nd my issues.i h8 it...