pagbigyan mo ko...
ako'y kumakanta ng: "akin ka na lang.. akin ka na lang. Iingatan ko ang puso mo! akin ka na lang!"
Bakit ako umiiyak?
Kung namimiss lang kita, bakit kailangna kong umiyak?
Bakit kailangan tumulo ang luha?
Bakit ako nasasaktan?
Wala naman tayong problema?
Mahal kita.
Mahal mo ako.
Anung problema? Bakit ganito?
Sino ang problema? Ako ba, ikaw o sila?
Bakit ba ako umiiyak?
Kaka-usap lang natin!
Masaya ba ako? HinDE!
Malungkot? OO!
Kaya ba ako umiiyak dahil malungkot ako?
O dahil nararamdaman koang sakit ng ganito?
Di ko alam bakit, pero eto alam ko
Bumubuhos ang damdamin ko.
Umaapaw ang pagmamahal ko.
Nagwawala ang kalungkutan sa puso ko.
Hinihingi kong makasama ka.
Nagmamakaawang mahawakan ka.
Nangangarap na sana ngayon maging akin ka.
Umaasa na makapiling ka.
Parang kanta.
Prang tula.
Parang musika
Sa isang pusong nagdurusa.
ako si Lei. 'kuletz' binyag ni mahal ko. hou, houie pag malambing. makulet ako. inlab sa houie ko. obses sa mahal ko. dugong pilipino. malalim pag nasasaktan. mababaw pag masaya. manunulat pag may daing. manunulat pag baliw. manunulat pag inlab. walang kwenta pag bangag. hyper pag madaling araw. simpleng tao pero komplikado. masinop pero burara. mahiyain pero maingay. may sariling mundo. may sariling pananaw at puno ng tinatawag nilang "labels". 'abnormal' sabi ng lipunan. 'baliw' sabi ng siyensya. 'makasalanan' sabi ng bibliya. Yan ako, ang nagiisa... si KuLetz.

<< balik-balik