AKO'y NAHUHUMALING SA... YOUTUBE vids...
Simulan ko ang thought ko ha?
PRIDE vs MONEY
HAPINESS vs. REALITY
PRINSIPYO o PRAKTIKAL
DOON o DITO
teka... mali. Sino ba ako?
San ba ako masaya?
Ano ba ang gusto ko?
Kung iba ang tatanungin mo niyan parang ang dali lang nila masasagot.
Pero ako, habang tumatagal nagiging komplikado ang lahat. Lalong lumalabo ang tingin ko sa sarili ko, sa buhay na meron ako, sa gusto kong magawa sa ibang tao.
Masama ako kung sasabihin kong ayoko dito...ayoko ng mga tao... di nagja-jive ang personality namin. Galit ako sa mga mapanghusga nilang pagiisip. Apektado ako sa mga sinasbai nila tungkol sa mga kapwa ko na nasa ilalim ng chain, mga minority sa society. Naiinis ako tuwing pinagdudukdukan nila sakin ang mga pangkukutya nila sa ibang lahi, na parang di nila nakikita na ako, si Lei ay iba rin. PHAKSHET!!! GANUN DIN NAMAN SA PINAS!!! halos himurin ng mga pinoy ang pwet ng mga taong mapuputi, singkit, mayaman. SHIT! AYOKO NG GANITO! huwaaaa...
Kahit san naman kasi ganito eh. I THEREFORE CONCLUDE, na personality wise ng mga tao... PANTAY LANG>>>EQUAL<<<
Maybe its the environment or the culture. kung environment lang mas malinis naman dito, pero shit! DI KO ALAM!!!!!!!!!!!!!!
Gagaguhin ko ang sarili ko pag sinabi kong di ako nasisilaw sa mga oportunidad na meron dito. Ano ba ang gusto ko sa buhay ko?
Theoretically: uuwi ako sa Pilipinas, mabubuhay ng simple pero masaya. Di naman kasi ganyan kasimple ang lahat. Paano naman ung ibang bagay na maganda dito kesa dun.Reality: Mahirap ang buhay sa Pilipinas, ang mga tao nagpapataaasan ng ihi, lahat napapatitig sakin tuwing dumadaan ako, samantalang dito para lang akong hangin---di nakikita, di napapansin.NAndito ka na lei... nasa Amerika ka na, bakit mo pa gustong bumalik??? Ang dami daming tao magpapakamatay para lang makakuha ng visa, anu pa't green card tas ikaw, di mo man lang maapreciate. Naiinis ako. Ano bang gagawin ko?
Ano ba kasi ang gusto ko???
Pede bang sabihin ko na lang ang mga ayaw ko?1. Ayoko ng buhay ko ngayon---malungkot, walang kwenta, mas maraming oras na galit ako sa mga tao at sa mundo kesa nagsasaya kasama nila2. Ayoko... ayoko maging nurse. Siguro kakayanin ko mga ilang buwan o taon, pero hindi buong buhay. Di ko makita ang sarili ko bilang nurse buong buhay ko. Naiinis ako. Ayoko ng ganito. Mali ba ang desisyon ko? Di ko alam pero di ako masaya. Nung una parang nakakaexcite. Ngayon hinde na masyado. Ewan ko ba.3. I can't stand mga tao dito. Di lahat pero karamihan. Ayoko ng kultura na walang respeto. All they have, they take for granted. And they want more and more. Parang wlang katapusan. Parang hinde pwedeng maging simple, at kasalanan ang maging simple. Ayoko ng ganito, di ako makahinga.4. Ayoko dito. Di ko kilala ang sarili ko. Dahil din sa lugar na to, nagulo ang pagkakakilala ko sa sarili ko, pati mga paniniwala ko sa buhay. Ngayon di ko alam kung sino ako. Oo, pinoy nga ako pero parang di rin naman ako mag fit dun. Oo pinoy nga ako, kaya di ako mag fit dito. PAti ung "HOME" na tinatawag ko, ung structure ung house, di ko na alam kung san. Nakakalito. Nakakasira ng ulo. Parang iniwan ako sa gitna, I fell through the cracks. Naiintindihan mo na ba kung bakit ako ganito? Di ko makilala ang sarili ko?5. Ayoko magisa. Pero madalas gusto ko ung literal na mag-isa, nakakapgisip ako, narerelax ang utak ko. NAgiging withdrawn sa lahat ng bagay. Kaya ko yun, tanggalin ang pakiramdam, alisin ang lahat ng laman ng utak ko. Pero di ako masaya sa ganun. 6. Ayoko ng maiba, pero minsan gusto ko rin. Sabi ko nga diba magulo ako? Masakit kasi yun, pag hinuhusgahan ka, pag di nirerespeto yung ibang tao, pag minamaliit, pag napapagkamalan ka na hindi naman ikaw. Ayoko ng ganun. Masakit un eh.7. Ayoko ng hirap sa Pilipinas, mga pangwawalanghiya ng mga kapwa mo pinoy, yung pang-iisa, mga krimen, pagnanakaw, mga taong walang disiplina sa sarili. Ayoko ng kawalan ng "manners and values" ng mga tao. So far... yan pa lang. Ayoko na. Nahihirapan na ko. Bakit pa kasi eh. Bakit pa kasi ganito.
MAGBABAGO BA ANG LAHAT KUNG NANDITO SI HOU? Ewan ko. Siguro. Malamang. Baka kasi pag ganun ang nagyari, at least merong isang taong makakintindi sakin, ung at the end of the day magtatanong kung kamusta na talga ako. Yung magiging interesado sa buhay ko. Or will she? Ewan ko.
LANGYA KA LEI! ANG ALAM MO LANG NA SAGOT: DI KO ALAM o kaya EWAN KO.... ANU BANG PROBLEMA MO??? ANU NGABANG PROBLEMA KO?